Nung una kang makita,
Muntik na akong masuka,
Dahil sa naka busangot mong mukha,
Na sadyang nakakatuwa.
Sa totoo lang mula umpisa,
Ikaw ay sadyang nakakairita,
Ikaw ay talagang nakakasira,
Na aking buong umaga.
Limipas ang mga araw,
At nakita ko na ang taglay mong kulay,
Bukod sa sikat nang araw,
Ang isa pang dahilan kung bakit
Lalo kang nangingitim ito’y dahil na rin
sa ugali mong taglay.
Ikaw, Ikaw na mapanglait,
At nagsasabi nang mapapait
Sa mga taong baluktot ang pag i-ingles
Eh maski ikaw baluktot din ang iyong pag-iingles
Wala kang katulad,
Yan ang aking sambi’t ,
At nagawa mo pang manglait,
Gayun taglay mo rin ang mukhang pangit.
Tama bang laitin ang taong may kapansanan?,
Gayun wala naman silang ginagawang masama sa ating pamayanan,
At bakit hind ang taong kumpleto,
Na puno naman nang sari-saring depekto,
Sa kanilang mga ugali
Ang tuunan ng kwentuhan
At sila naman ang gawin nating katatawanan.
Ika nga na aking kamag-aral ,
Maihahalintulad ka sa isang Praying Mantis,
Dahil pagkatapos mag pangap,
Ay kakainin mo na ang iyong biktima sa isang idlap.
Kung sa tingin mo ako lang ang inis sayo,
Mag isip-isip ka muna at baka,
Ang kasakasama mo ngayon ay may-galit din sayo.
Aking napagtanto na ikaw ay sadyang sugapa,
Dahil nang nagsaboy nang kasamaan,
Ang demonyo si Satan,
Na tila sinalo mo na lahat at walang itinira pa.
Ngayon ako’y nagging masama,
Dahil na rin sa ugali mong di kaaya-aya,
Mabuti pa ang maging masama dahil sa nagging ugali ng iba,
Kaysa sa maging masama mula ulo hanggang paa mula nung umpisa.
No comments:
Post a Comment